ONLINE LOANS PILIPINAS (Moola Lending) - Ang LAKI ng Nakuhang Interest sa USAPANG PERA

Mahigit isang taon din akong patuloy na umutang sa Moola Lending na ngayon ay naging Online Loans Pilipinas na. Nakapagtataka, bakit pangatlo na itong nagbabagong anyo. Nong una tinawag ito na Doctor Cash tapos naging Moola Lending, ngayon naman naging Online Loans Pilipinas. Abangan ang susunod nito pangalan after 2- 3 years. Iwan ko lang kong aabutin ito ng 3 years kung patuloy nilang pinapairal sa kanilang kompanya ang napakataas na interest at ang mga nakatagong mga charges and penalties.

Pakiramdam ko malapit na itong mapasara ni PRRD. Subukan nyo kaya isumbong ito sa "8888" para maaksiyonan ng mga taga DTI at SEC. Gusto nyo bang malalaman ang karanasan ko sa kanila pagdating sa malaking interest? Tingnan nyong mabuti ang mga figures na nasa ibaba para kayo mismo makakapag-isip kung fair ba talaga ang pinapairal nilang interest.

Since DAY 1, never akong na delayed ng payments sa kanila. Lagi kong inaalala ang aking reputation lalo na pagdating sa panghihiram ng pera. Lagi akong nagre-reloan until 10th reloan ko. Napansin ko kasi kapag pinagpatuloy ko ang pagbabayad ng buo tapos mag reloan din naman, mas lalo akong malulugi dahil doble ang babayaran ko. Alam nyo kung bakit? Bawat reloan may 10% processing fee kaya laging mababawasan ang aking loan ng 10% pero babayaran ko pa din naman ng buo ang principal.

Hininto ko ang pag reloan at binabayaran ko nalang ang interest pati ang prolongation fees na P700 every month. Nakaka-save ako sa processing fees kahit ibabawas pa natin ang P700 prologation fee. Halimbawa, ang loan ko sa kanila ay P20,000. Ang interest nito ay P6,000. Kapag nag-apply ako ng reloan P18,000 lang matatanggap ko pero ang babayaran ko ay P26,000. Kung hindi ako mag reloan at i-extend ko nalang ang aking loan for another 30 days, ang babayaran ko ay P6,700. Yong P2,000 na ibabayad ko sana sa processing fee kung magre-reloan ako, mababawasan lang yon ng P700 para sa prolongation fee, ibig sabihin may savings pa din ako na P1,300 sa P2,000 na processing fee.

Ganun paman, napag isip-isip ko na wala talagang mapapala ang negosyo ko kung iasa ko kay Moola Lending (Online Loans Pilipinas), kahit malaki ang kita ko sa negosyo, kukunin lang din naman ni Moola Lending. Inaantay ko lang talaga na makapag reloan sa Tagum Cooperative para mabayaran ko ang aking utang kay Moola Lending. Atleast sa Tagum Cooperative, 12 months kong babayaran at maliit lang ang interest. Hindi mabigat sa bulsa at sa kalooban na rin.

Naiisip nyo ba kung magkano ang inabot na halaga ang naibayad ko kay Moola Lending sa mahigit isang taon? Siguro magugulat kayo, sa halagang P20,000 sobrang laki ng itinubo nito. Malaking halaga ang nakuha nila sa amin. Pero hindi pa rin nila kayang i-wave ang PROLONGATION FEE. Ang masaklap, patago nila itong pinapatong sa interest at principal na babayaran mo. Magulantang ka nalang na patuloy na lumulubo ang utang mo sa kanila kahit nagbabayad ka naman buwan-buwan.

Tingnan nyo ang breakdown ng aking reloan sa loob ng 15 months. Huwag kayong magugulat dahil totoo ang computation na ito. Dapat malalaman ito ng buong mamayang Filipino kung gaano sila ka sakim pagdating sa PERA. Dapat mapasara na itong Lending company na ito.



Isa lang masasabi namin dito sa USAPANG PERA at dapat kayo din, at maaaring tayong lahat. Magkaisa tayong sasabihin sa bawat isa....isang malaki at malutong na......



NO TO ONLINE LOANS PILIPINAS

Know about them thorugh this link: https://online-loans.ph/en/contact-us

Post a Comment

0 Comments