Mag-ingat sa Cash24 (Not Recommended)

Marami na ata sa inyo ang nakakapansin sa lending platform na ito. Pero based sa nakasulat sa kanilang website:

"The website cash24.ph is an independent broker that provides consumers with free information on the special terms of a lender's loan agreement and other relevant information. cash24.ph does not issue loans and is not a lender. On the website, the peer-to-peer lenders have a special license to provide the consumer credit service."

Hindi sila mismo ang nagpapatutang kundi isa lamang silang independent broker. Ang mahirap dito, dalawa sa kanilang ino-offer na lending company at app ay parehong hindi maganda ang reputation pagdating sa kanilang clients feedback.

Kasalukuyang mayron silang apat na lending company na pino-promote sa website nila. Dalawa ay kilala ko at ang isa ay matagal akong nagiging client.

1. Robocash
Ang Lending company na ito na mayron din silan online app ay registered ng SEC mula pa noong Sepember 08, 2017. Makikita mo ang kanilang pangalan under sa listahan ng List of Financing Companies na rehistrado ng SEC, kaso nga lang naka PULA ito at may nakasaad na "with pending case".

Hindi po mabilang sa dami ng reklamo tungkol sa kanila. Kilala sila sa Metro Manila at Luzon dahil marami silang physical branches na makikita mo kahit sa babaan ng train. Araw-araw maraming nakakautang sa kanila pero dahil sa sobrang laki ng interest marami ang hindi nakapagbayad sa kanila sa tamang date based doon sa pinirmahang agreement. Isa ila sa mga tinaguriang "LOAN SHARK" kung tawagin ang mga lending company na sobrang laki ng interest at mga processing fees.


Huwag subukang umutang sa Robocash kung ayaw mo ng sakit ng ulo. Kahit subukan mong magbayad ng tama, darating talaga sa point na sumablay ka lalo na ngayon karamihan walang trabaho at kung mayron man maliit lang ang sahod, mawawalan ka talaga ng balansi sa iyong finances kaya maaring hindi mo mababayaran ang iyong utang. Kapag nagkataon, siguradong makakaranas ka ng pamamahiya at harassment.

More info here: https://robocash.ph/

2. Money Cat
Isa itong International loan company na rehistrado ng SEC dito sa ating bansa pero sa likod nito, di hamak na kasama din ito sa mga loan shark lending company sa Pilipinas. Walang masyadong bad reviews na kumakalat sa internet pero kung babasahin mo ang ratings nila sa kanila Playstore app, mawawalan kayo ng gana para mag-apply.


Sinasabing pwede kang mag-apply ng up to 20,000 pero ito'y pang brag lamang para mapilitang kang mag-apply lalo na kung malaki ang kinakailangan mong halaga. Karamihan sa mga nag-apply, nadismaya dahil hindi naman totoo ang pinangakong halaga.

Double check their site: https://moneycat.ph/

3. Kviku Lending
Medyo limited ang impormasyon na nakuha namin tungkol sa Lending na ito. Application made available sa kanila mismong website na https://kviku.ph/  . Pati sa kanilang website ay limited info lang din ang nakalagay. Loanable amount ay up to P25,000. Look promising pero huwag masyadong kampante dahil madali lang naman sabihin yan pero mahihirap gawin at ipapatupad. Wala silang online app sa ngayon kaya hindi natin mababasa ang mga bad or good reviews tungkol sa kanila.


4. Online Loans Pilipinas
Ang dating Dr. Cash na naging Moola Lending at kinalaunan nagiging Online Loans Pilipinas. Hindi rin mabilang ang nagiging reklamo sa kanila. Mahaba din ang panahon na nagiging client ako sa Lending company na ito. Nagkataon lang siguro na medyo alanganin ako sa financies ko noon taon na yon. 


Sa halagang P20,000 umabot ng P108,200 ang kinita nila sa akin kaya masasabi kung not recommended sila dahil sa sobrang laki ng kinita nila mula sa akin. Buti at malaki din kinita ko sa online job ko kaya hindi ako masyadong nahihirapan bayaran ang aking utang sa kanila.

Check out their website here: https://olp.ph/

For more information tungkol sa karanasan ko with Moola Lending until nagiging Online Loans Pilipinas, paki-sundan lamang ang link na ito: https://www.usapangpera.ph/2019/01/online-loans-pilipinas-moola-lending.html

Mag-ingat sa mapanglinglang mga lending company na maaaring magpapahamak o manggulo sa buhay nyo kapag hindi nyo nagawa ang ipinangako nyo sa kanila.

Post a Comment

0 Comments