Welcome Finance -Salary Loan

Dahil nandito na sa Pilipinas ang trusted financing company ng Korea, matutulongan na rin tayo sa ating pangangailangan lalo na sa financial assistance. Marami na ang nakaka avail sa mga loan products na ino-offer nila sa mga Filipino. Hindi tulad ng ibang kilalang financing companies na aabutin pa ng ilang araw, linggo at minsan pa nga inabot pa ng buwan bago mo malalaman kung approved ka o disapproved. 

Sa Welcome Finance, sa loob ng 24 hours malalaman mo na ang inyong loan status at kapag approved ka, pwede mo na makuha ang inyong loan proceeds sa pinakamalapit na branch nila sa NCR, North Luzon at Cebu Province. Ito ang tinatawag nilang 24hrFast2Cash program, layunin nito na magagamit agad ng aspirants ang loan nila within 2 days.

Magkano ang pwede pa-apply na loan sa Welcome Finance?
Ang loan bracket ng company ay magsisimula sa P20,000 hanggang P200,000. Depende ito sa salary bracket mo based sa Payslip na isinabmit mo sa kanila. Ibig sabihin kung malaki ang sahod mas malaki din ang pwede mong ma avail na loan sa kanila. Ang iyong loan ay maaaring bayaran in 3 term option: 12 month, 24 months at 36 months. Kung gusto mo ng maliit lang na babayaran pwede mong pipiliin ang 36 months, ang problema lang mas lumalaki din ang babayaran mong interest. The shorter the period, mas maliit na interest ang babayaran mo. Pero maghahabol ka din ng pambayad kasi medyo may kalakihan ang babayaran mo bawat buwan sa loob ng 12 months o isang taon. 

Paano ito babayaran?
Bago mo mahawakan ang inyong loan proceeds, kailangan mong mag issue ng 12 pcs PDC's or post dated checks sa pangalan ng Welcome Finance kung 12 months ang napili mong terms to pay your loan. So, kailangan meron kang checking account para magawa ito. Kapag wala ka pang checking account, bibigyan ka ng pagkakataon para makapagbukas ng checking account sa kahit saang bangko within 30 days. Mas advantage kung meron ka ng checking account bago kapa nag apply sa kanila.


Sinu-sino ang pwede makapag apply ng salary loan sa Welcome Finance?
Kahit sino basta Filipino na may edad mula 21 years old hanggang 59 years old. Dapat naging employee sa isang company for atleast or minimum of 2 years na may kabuoang sahod na hindi bababa sa P15,000 per month. Kung matagal kana sa company mo, mas malaking chances na pumasa ka sa ina aplayan mo.

Anu-ano ang mga requirements?
Kailangan mo lang mag submit ng 2 months recent payslip at Certificate of Employment na naka state ang position mo, tenure and pati ang annual income. Bukod sa nabanggit, kailangan mo ding mag sumite ng latest ITR or income tax return. At ang panghuli, utility bill na nakapangalan sayo under your residential address.

Kung sa palagay mo nasa sayo ang hinahanap ng Welcome Finance, pwede kayong mag apply sa kanilang mga branches na malapit sa inyo or pwede ring makikipag ugnayan sa amin para ma-assist namin kayo. Pwede nyo kaming ma-contact sa email address na ito: pinoypautangonline@gmail.com

Post a Comment

1 Comments

  1. Sa loan status ko naka lagay "Disbursement" approve na po ba ibig sabihin nun?

    ReplyDelete

Hello, please leave your comment down. Thanks