Kamakailan lang ay inilabas namin dito sa USAPANG PERA.PH ang Fido Lending App. Based doon sa previous post namin, wala pa kaming malalim na idea tungkol sa operation nila pati sa services na hatid ng kanilang app. Kaya minabuti naming itanong sa kanila ito sa pamamagitan ng email, kung ano ba talaga ang mga dapat aasahan ng mga clients nila pagdating sa LOAN.
Habang nag-aantay kami ng reply sa aming email sa kanila, nakakatanggap kami ng mga PM at feedback na hindi gumagana ng maayos ang Fido Lending App. Marami din ang nagtatanong kung bakit hindi nila makikita ang status ng kanilang loan application sa Fido app. Kahit kami mismo, nahihirapan ding hanapin kung saan nga ba makikita ang status ng aming loan application. Wala kaming maisasagot na tama kung bakit ganon ang nangyari sa kanilang App.
Pagkatapos ng dalawang araw, finally nagre-reply na din ang Fido sa aming email. Ang sabi nila, ON PRE-LAUNCH palang yong paglabas ng kanilang app sa playstore. Ito yong part ng kanilang email sa USAPANG PERA.PH.
"We did a soft launch of our product to ensure smooth operation and get feedback from early users. We intend to re-launch with full features and the best customer service experience shortly. We indeed have satisfied customers already, but at this time will not be available to new applicants until our re-launch. We apologize for the inconvenience."
Ibig sabihin, hindi pa open to all potential client ang kanilang app. Kasalukuyan pa rin itong inayos ng mabuti para sa ikagaganda ng kanilang operation in the future, which is maganda para hindi sila uulanin ng maraming reklamo dahil pumalya ito. Ang kailangan nating gawin ay antayin ang kanilang RE-LAUNCH.
Ma-swerte yong napasama at nakasubok sa kanilang PRE-LAUNCH. Ang kanilang magandang future ay nakasalalay sa inyo. Hehehe Sana naman maganda ang naging resulata sa beta test nila sa mga loan application nyo. At sana din, magbabayad kayo sa tamang oras at araw based doon sa agreed terms and condition.
Napansin namin na maganda ang kanilang app at hindi mumurahing app lang tulad sa mga nagsulputang mga lending apps sa playstore na kahit bayad kana, may utang ka pa rin sa kanilang app. Dahil hindi real time ang posting, maraming nagulong buhay dahil pati mga kamag-anak at closed friends ay sinisingil kahit bayad na. Sana hindi magaya sa kanila ang Fido Philippines.
Ang gagawin nalang natin ngayon ay antayin ang kanilang RE-LAUNCH na mangyayari soon....Hindi rin namin alam kung kelan matatapos ang SOON na ito. Kaya, siguradong magbasa at mag-abang sa mga bagong post namin dito sa USAPANG PERA.PH.
0 Comments
Hello, please leave your comment down. Thanks