LENDING APPS - ALAMIN KUNG ANONG DAPAT IWASAN

Hindi talaga natin maiiwasan na magkaroon ng utang sa panahon ngayon. Hindi lang utang na loob ang maaari nating makukuha sa isang tao pati na rin sa financial, maaaring lumalapit tayo sa kanila. Pero dahil laganap ang kahirapan ngayon, mahihirapan na tayong umutang sa ating kamag-anak, kapitbahay at pati kaibigan. Bukod pa nito, dumadami na rin ang mga taong, mabait lang sa iyo panahon ng sila ay nangangailangan pero panahon ng bayaran, ikaw pa ang aawayin dahil sinisingil mo sila. Kaya minabuti ng karamihan na huwag nalang magpapautang o magpapahiram sa iba.

Kaya nauuso ngayon ang iba't-ibang lendiing apps sa playstore na nagpapautang na walang collateral. Biruin mo kung hirap ka nga makautang sa kapitbahay, kaibigan at kamag-anak lalo na siguro sa mga hindi mo kakilala. Mas lalong mahirap maningil sa mga utang ng hindi mo kakilala. Pero hindi natinag sa ganung mga problema ang mga lending apps dahil mayron din silang hawak na katibayan at ALAS sakaling hindi magbabayad ang mga umutang sa kanila.

Kung sakaling hindi magbabayad ang mga umutang sa mga lending apps na ito, tatawagan o ittext ang mga taong naka-phonebook sa cellphone mo. Baka hindi alam ng karamihan ang dahilan kung bakit pinautang ka nila kahit hindi ka nila kilala? Ito'y dahil nakikita nila na may kakayahan kang magbayad dahil marami silang nakikita sa cellphone bukod doon sa mga requirements na sinumete mo sa kanila.

Maaaring peke ang iyong requirements na pinadala sa kanila sa pamamagitan ng apps pero yong pag access nila sa cellphone mo, lalo na sa phonebook, inbox at images ito talaga ang mag FORCE sa inyo na magbabayad dahil kapag nagmamatigas ka, ipapahiya ka nila sa mga kakilala mo.

Pero hindi lang yan ang dahilan kung bakit nahaharas ang mga umutang sa mga lending apps na ito. Marami din ang hindi nakapagbayad dahil, hindi na nila ma-access ang lending apps na inutangan nila. Kaya sa panahon ng bayaran, nahihirapan na sila saan kukunin ang reference number para mabayaran ang utang.

MGA DAPAT TANDAAN  KUNG MAY UTANG SA ISANG LENDING APPS
1. Huwag na huwag i-uninstall ang app habang mayron ka pang utang sa app na ito para hindi kayo magkakaproblema.

2. Kapag nakuha mo na ang iyong loan, isulat sa papel, sa kalendaryo o sa maliit na notebook ang mahahalagang impormasyon ng iyong loan tulad ng reference number, due date, loan amount at saan pwede babayaran. Para kung sakaling masira, mawala o manakaw ang cellphone nyo, pwede pa kayong makapagbayad at hindi kayo mahaharas.

3. HUWAG NA HUWAG KALIMUTAN NA MAY UTANG KA. SIguradong malaki talaga ang problemang kakaharapin mo. Kung sakaling ma-delayed, siguraduhing makikipag-ugnayan sa lending apps na inutangan mo.

4. Lahat ng problema may solusyon, kaya maghanap ng paraan huwag tumunganga nalang at antayin na magkaproblema saka pa kikilos.

5. Huwag masyadong excited sa pagtanggap ng pera at makakalimutan na ang mga dapat tandaan lalo na ang mga mahahalagang impormasyon ng inyong loan. Pagkatanggap ng pera, alamin ang mga nakapaloob sa agreement. Makikita mo ito sa apps mismo o sa registered email mo.

Maraming problema ang dumarating kapag tayo ay hindi nag-iingat at hindi naghahanda. Kung palagi lang tayong handa, sigurado maiiwasan natin ang mga malalaking problema na kahaharapin dahil sa utang.

Post a Comment

0 Comments