Isa sa may pinakamataas na interest rate pagdating sa loans ay ang Robocash. Kung hindi sila ang nangunguna, malamang nasa pangalawa. Based doon sa mga feedback na nakukuha namin galing sa mga nagsusumbong na mga client si Robocash at Online Loans Pilipinas ang may pinakamataas na tubo. Pinagtataka ng karamihan kung bakit patuloy pa rin ang kanilang operasyon kahit inulan na sila ng reklamo dahil sa kasakiman ng mga ito.
Mahigpit na ipinagbabawal ng batas natin ang mga LOAN SHARK lending companies pero tinagurian silang loan shark dito sa ating bansa pero patuloy pa rin silang namamayagpag. Bakit kaya patuloy pa ring tinatangkilik ng mga Pinoy ang mga lending company na ito? Baka nga dahil sa kagipitan kaya pilit pinipikit ang mga mata para lang makakautang. Ikaw ba naman hihingin ng isang kilometrong requirements kung uutang ka sa mga maliliit at legal na mga lending hindi ka talaga tutuloy. Kaya mapipilitan nalang na umutang sa mga kompanyang ito kahit ibabaon kayo sa lupa sa laki ng tubo.
Pero maiba tayo, alam nyo ba na mahigit 50 branches na ang ROBOCASH sa buong Metro Manila? Kinomperma ito ng kanilang CSR sa amin dito sa USAPANG PERA.PH. Mayron kasi kaming nabasang isang article tungkol sa pagkatao ng may-ari ng ROBOCASH. Dumaan din daw ito ng hindi kanais-nais na karanasan noong kabataan nito.
Based sa artikulo na nabasa namin, nakatatlong pagkakataon itong na KICK OUT sa eskwelahan nong araw. Ito yong part ng article na nabasa namin sa isang website:
Credit Image: pinoypatrol.online
"As a teenager, Felipe has never been interested in studying. He rather chose to cut class and practice martial arts with his friends. The young lad developed an interest in Math and literature but other than that, he has not shown interest in any subjects. For four consecutive years, Felipe failed in school and was even kicked out by three different high schools.
Despite all of his shortcomings in his education, his very supportive mother is always there to cheer and back up her son in winning in life. Thanks to her mom's support, Felipa passed the Philippine Educational Placement Test which allowed him to pursue a college degree abroad.
In the community college he attended, Felipe became more aware of his privilege. This led him to study even harder so he can take advantage of the opportunities that passed him by during his high school years. When he came back from the US in 2009, he handled their family business. Now, at 37 years old, Felipe is already the owner of 50 branches of Robocash Philippines!"
Source: https://www.pinoypatrol.online/2019/03/tatlong-beses-siyang-na-kick-out-sa.html
Hindi natin masasabing naging bilyonaryo si Mr Felipe dahil sa Robocash, malamang may pera na ito dahil galing sya ng ibang bansa. Baka nakapag-ipon ito habang nagta-trabaho abroad. Pero ang hindi namin matanggap, nakuha nyang magpapautang sa mga tao na abot hanggang leeg ang interest na itinubo sa pinapautang nilang pera. Kung ganun kalaki ang interest, sigurado talagang magiging bilyonaryo ang isang tao.
Credit Image: pinoypatrol.online
Sa dami ng hindi magandang feedback tungkol kay Robocash, nakuha pa talaga nilang ipagmalaki ang pagkakaroon ng ganitong negosyo. Paano kaya nakakalusot ito sa DTI, SEC at iba pang sangay ng gobyerno na talaga namang hindi ito nakakatulong sa mga Kababayan nating nangangailangan. Kayo na ang bahalang humusga at nasa inyo na din kung patuloy nyo pang tangkilikin ang ganitong klaseng lending company na ibabaon kayo sa lupa dahil sa sobrang laki ng interest nila.
Sabi pa ng CSR nila, kung kayo ay nangangailangan ng pera at gusto nyong umutang, pumunta lang daw kayo sa any of their 50 branches within Metro Manila. Kung malayo kayo sa NCR, pwede daw kayong mag-apply gamit ang kanilang Lending App na makikita sa Playstore. Kayo na bahala mag decide kung papatusin nyo ang kompanyang ito na almost double ang halaga na ibabayad mo sa principal na inutang nyo sa kanila.
2 Comments
sobra po talaga taas ng tubo nila na halos di na kaya bayadan ng mga naghiram sa kanila.yun 9k ang balik is 15 k.juskomhalos mag pang abot na ang principal at ang tubo.
ReplyDeleteTapos may gana pang ipagmalaki ang may-ari ng loan shark na ito? Grabe garapalan na talaga ang kapalan ng mukha.
ReplyDeleteHello, please leave your comment down. Thanks