Namangha ako sa bilis ng proseso sa aking TRIAL LOAN APPLICATION kay Atome Credit. Sinabing trial, dahil gusto kung malalaman kung ano ang sistema ng lending app na ito pagdating sa mga loan application ng kanilang mga potential clients. Sinunod ko lang ang proseso pero hindi ko inaasahan na ma-approved ang loan ko na P1,000. Sa totoo lang napabilib ako dahil pakiramdam ko yong mga detalye ko ay hindi sapat para ma-approved dahil maliit lang naman kinikita ko bilang isang self-employed ang nilagay ko.
Pagdating din sa cellphone, wala pang laman dahil kakabili ko lang at sinadya ko ito para sa Youtube channel na USAPANG PERA TV para gagawa ako ng mga videos paano gagawin ang application para hindi mahihirapang magbasa ang mga followers namin sa www.usapangpera.ph. Matandaan apat lang ata ang nasa contacts ko kaya kung yong sinasabi nila na isa sa basihan ni Atome Credit to approved your loan ay ang maraming laman ang contacts, hindi po totoo yon sa case ko. Wala ding laman ang aking gallery at mas lalo na ang aking inbox.
Dahil doon, I promote Atome Credit sa aming mga websites, facebook pages at groups. Pero isa sa hindi ko nagustuhan kay Atome Credit kahit mabilis mag-approved ay ang 7 and 14 days term. Masyadong malaki ang pinapatong na interest in a short period of time. Hindi man lang nakaikot ng ilang beses kung ang pagagamitan mo nito ay slow moving items sa inyong negosyo. Ang masaklap kung ginamit mo ito ng panggala lang, magkakaproblema sa paghahanap ng pambayad on or before 14th day, araw ng due date mo.
March 28 na-approved yong loan ko na P1,000 tapos ang due date ko ay April 11. Malaki ang tubo dahil within 14 days magbabayad ako ng P1,338. Katwiran ko naman kailangan ko ito para may mai-share ako sa aking mga followers. Binayaran ko yon sa araw mismo ng aking due date. Tuloy ang pag promote ko sa kanila hanggang nakakuha ako ng P700 referral commission. Ang problema ngayon, hindi ko alam kung paano ito makukuha. I check there app, at nakita ko na hindi pala pwede i-redeem ito through my bank account. Ang maaari lang pagagamitan nito ay ibabawas sa aking existing loan or loan balance. Paano yon hindi na ako umutang sa kanila dahil nga ayaw ko ng 14 days term at saka hindi ko naman kailangan ngayon.
Ang ginawa ko, nag email ako sa kanila (cs@atome.ph) regarding sa concern ko. Sinabi ko sa email kung pwede bang i-withdraw ko ang aking commission sa aking bank account. I got auto replied message na they got my email kailangan ko daw mag provide ng contact number para may tatawag sa akin. Hanggang ngayon ni anino sa taong tatawag hindi ko pa nakikita at naririnig. The was dated May 1 at 12:11am, madaling araw yon.
At around 8:18am ng umaga, I got a text mula sa system ng Atome Credit na approved daw yong loan ko na P2,000. Nagulat tuloy ako, hindi naman ako nagreloan bakit may text akong natatanggap. Hinayaan ko lang kasi nasa byahe ako noon kasama anak ko papuntang Jollibee para sa kanya summer class na Mini Manager Camp ng Jollibee. Bandang hapon pauwi na kami, I got another text na ipinasok na daw nila ang loan ko sa aking bank account at may nakalagay ding due date.
Hindi ko pinansin yong cellphone number, kaya pagkadating sa bahay tiningnan ko yong BPI account ko, yong account na pinasukan nong first loan ko sa kanila dahil naka online banking ako. Pero walang pumasok kaya sinabi ko baka fake news lang ang text na yon. Pero nong binuksan ko ang Atome Credit app, nagulat ako may bumungad sa akin na Congratulation message at ang sabi ipinasok na ang pera sa bank account ko and GCash number 09229152397.
Dito na ako nagkaroon ng duda at nagtanong sa sarili ko na mayron hindi maganda sa nangyari. Bakit ako nagkaroon ng loan, eh wala naman akong balak magloan. Isa pa, P2,000 lang eh ang liit lang noon tapos magbabayad ako ng mahigit P700 na interest, Ok lang sana kung kailangan ko talaga ng pera pero hindi eh. Walang pumasok na pera sa BPI account ko na tanging yon lang ang nilagay ko sa aking disbursement info. Never kung binigay o nilagay ang aking GCash account sa kanila, paano pumasok sa GCash tapos ang masaklap hindi pa GCash account ko. Wala nga akong ka alam-alam sa number na ito 09229152397.
They can verify kung sino ang may-ari ng GCash na yan. I have 3 GCash account na parehong nakapangalan sa akin. Yang number na sinabi nilang pinadalhan ng pera, 100% akong hindi nakapangalan sa akin at mas lalo na sa mga kakilala ko. Dapat gumawa ng aksyon ang Atome Credit nito para hindi masisira ang kanilang reputation at hindi matatakot ang mga maaari pa nilang maging client.
Conversation with CSR
Dahil napansin ko ngayon May 3, 2019 na nag RUN ang aking due date kaya minabuti kung kausapin sila through their app, sinubukan kong tawagan ang dalawang number na nakalagay sa app nila pero hindi makontak, mukhang for texting or bulaklak lang ito para kunwari reachable sila.
CONVO WITH ZACK
May naka-assign sa akin na CSR, ang nakalagay na pangalan si ZACK. Sinabi ko sa kanya ang buong pangyayari. Ang ending ako pa ang ginawang mali based sa mga opinions nya kasi nga daw kahit sila hindi makaka-access sa aking account. Tanging ako lang daw ang may kagagawan non. I am 100% na hindi ako ang gumawa noon, kung ako man paano ko nilagay ang GCash account na alam kong hindi sa akin. Binaliktad pa nya ako, sinabi ko sa kanya na walang 100% system at kahit ako na matagal na sa online world mayrong mga instances na ma-manipulate ito.
Actually, pwede ko namang hindi papansinin dahil wala naman silang nakuhang mga detalye sa cellphone ko nong unang nag-apply ako. Sino ang tatawagan nila kung hindi ako magbabayad? wala naman silang nakuhang info sa contacts ko except doon sa limang naka phonebook. Pero I am not thinking myself, eh papaano yong mga client nila na halos buong kaluluwa ay nahigop nila noong nag-apply sila?
Sa totoo lang uminit ang ulo ko sa kanya dahil sa sinabi palang nya na kahit sila ay walang access sa account ko, paaano nya nasisiguro na hindi pumalpak ang system nila? Ibig sabihin ba, si ZACK ay isang IT, CSR, collector at maging ang may-ari ng Atome. Ang sabi lang kasi nya, THEY ARE TRAIN to address such concern. Ano ang masasabi nyo sa kanya? Hindi nya ma-access ang account ko pero para sigurado sya na 100% perfect ang system nila. Kung hindi nya ma-access ang account ko, ibig sabihin hindi siya ang IT o ang develop ng system nila. Kaya hindi siya dapat maging kampante sa pinagsasabi nya na THEY ARE TRAIN. Ano kaya ang pagkaintindi nya sa pagiging TRAIN lang?
Sinabi ko din sa kanya na ipasa ako sa concern department dahil pinipilit niyang i-address ang concern ko kahit limited lang talaga ang nalalaman nya. Hanggang CSR lang siya at walang alam kung anong nangyari sa system. Dapat sana kinuha nya ang mga detalye like the GCash account na sinasabi kung hindi sa akin. Dapat tukuyin muna nila kung sino may-ari noon at anong connection non sa aking contacts. Wala eh, POOR ZACK. Kahit papano may alam ako sa pagpapatalakbo ng website dahil may sariling website ako. Ginawa mo pa akong bobo.
Dapat hindi na mahaba ang convo namin pero pinagpilitan talaga nya sagutin lahat. Hanggang hindi na nya masagot, ganon pa rin nasa akin daw ang mali. Isang CSR na hindi customer ORIENTED. Gustong sila lagi ang tama, marami din akong kaibigang CSR, ang iba ng nasa ibang bansa na pero hindi sila tulad sayo ZACK. Nagkukunwaring may alam pero halatadong wala ka talagang alam pagdating sa pag RUN ng site at apps.
BEWARE:
Huli nang naisipan kung kunin ang screenshot ng aming convo. Kapag pala, ini-END na nila ang convo, mawawala na ito sa app nila. Kaya kung mayron kayong mga mahahalagang convo with them, screenshot nyo agad at huwag antaying mawawala. Hindi supported ng kanilang system ang tulad sa Tala na mayron pang ilang araw bago mawala.
Dahil sa pangyayaring ito, we remove ALL COVER PHOTO ng Atome Credit sa aming facebook pages and groups. Hindi na rin namin recommended ang Lending App na ito. Kung nangyayari ito sa akin na nag-iingat hindi imposibleng mangyayari din ito sa inyo. Huwag kayong mabulag sa ini-offer nilang mabilis na proseso. Mabilis nga pero kapag nagka-aberya hindi sila handang makikipag cooperate para ma resolve ang issue.
SA MGA NAKAKARANAS NG HINDI MAGANDA SA ATOME CREDIT, huwag mag-atubiling mag COMMENT sa ibaba ng inyong mga hindi magandang experience tungkol sa kanila para malalaman din ng lahat na nagbabalak umutang o at saka yong mayrong existing loan sa kanila.
SA MGA NAKAKARANAS NG HINDI MAGANDA SA ATOME CREDIT, huwag mag-atubiling mag COMMENT sa ibaba ng inyong mga hindi magandang experience tungkol sa kanila para malalaman din ng lahat na nagbabalak umutang o at saka yong mayrong existing loan sa kanila.
HUWAG NYO NG TANGKILIKIN ITONG ATOME CREDIT KUNG HINDI NILA MA-SOLUSYONAN ANG ISSUE NA ITO. Kasi kung sa inyo ito mangyayari, siguradong mapapahiya kayo kung magsisimula silang magtext sa contacts nyo. Sure din akong hindi kayo magbabayad dahil hindi nyo nakuha ang pera.
100% WALANG MALASAKIT sa kanilang mga client. Imbes na linisin ang kanilang pangalan, ipangalandakan pa nilang ang client ang mali. Pinapaalalahanan namin ang LAHAT ng followers ng aming facebook platforms:
PAGES
1. Usapang Pera At Iba Pa : https://www.facebook.com/UsapangPeraPH/
2. Online Loan Guide : https://www.facebook.com/guidetoloans/
3. Utang Guide :https://www.facebook.com/UtangGuide/
3. Usapang Pera : https://www.facebook.com/UsapangPeraGuide/
GROUPS
1. Pinoy Pautang Online Guide: https://www.facebook.com/groups/pinoypautangonline/
2. Loan Ba Hanap Mo?: https://www.facebook.com/groups/HanapLoan/
3. Utang Pilipinas: https://www.facebook.com/groups/UTANGPinas/
4. EASY-LOAN: https://www.facebook.com/groups/EasyLoanPinas/
5. UTANG.PH: https://www.facebook.com/groups/UtangPH/
23 Comments
My experience ako sakanila sa payment ko. nag byad ako through dragon pay gamit ang bpi ko. Nag deduct na sa account ko ung byad perk nd nag push through ung validation. Ngayon nagttxt sila sken na past due na daw ako. Sinabi ko nkpag byad na ako at nagloko lang ung validation nanghinge sila ng proof na nag byad na ako with date and time na provide ko nman ung need nila pero ayaw prin nila iaccept. So ang ending lumalaki penalty ko. Sabi ko byad na ako mkipag coordinate nalang kako kau sa dragon pay kasi deducted na ako sa bpi ko. Pero ayaw nila so ako ang gumwa ng paraan panay ako twag sa dragon pay at bpi nanghinge pa ako statement of account sa bpi tas sinend ko sa dragon pay para lang ma clear ung status ko sa atome kredit. it was my 5th loan at good payer naman ako. Ang ending after na ma verify sa dragon pay at na wave ung penalty ko ayun nireject na nila ako.. reason nila delay daw ako mag byad wich is nd ko nman ksalanan at nkita nman nila sa SOA ko sa bpi na on time ako nag byad. Nakakasama ng loob kasi parang kasalanan ko pa ung pagkaka delayed eh system error naman un.
ReplyDeleteSo ikaw pa ang nagmukhang may mali. Dapat magiging considerate din sila dahil hindi mo naman kasalanan yon. Gusto kasi nila magkapera agad kaya ayon naghahanap sila ng mauuto pa nila yong tipong wala pang alam tungkol sa palpak nilang serbisyo. Anyway, abangan nyo ang latest update ko sa post na ito. Malalaman mo kung gaano sila kagahaman, kumakain ng buhay.
ReplyDeleteGnyan dn ngyri sken, byad kna thru 7eleven, hanggang sa maagnas na ung resibo kesyo ssbhin syo hndi kpa dn byad hanggang sa my ppunta ng kolektor at kesyo mkkrting nadw kyo sa legal blah blah, sb ko kht mkrting tyo dun, hihintayin ko kako cla,hanggang sa viber my manggugulo
ReplyDeleteMay pumunta ba sa inyo na collector? Kadalasan puro pananakot lang nila yon eh. Paano nangyari na hindi updated ang payment nyo sa system nila? Mayron akong bagong update tungkol sa issue na ito. Please read our new update po. Thanks
ReplyDeleteMy pumjpunta kakaalis lang nila dto sa bahay
Deletetotoo po bng napunta sila sa brgy at nagcocomplain
ReplyDeletedi ko lang po alam
DeletePano po ba ang gagawin?halos lahat ng contacts ko tinetext nila.delayed ang payment ko,araw araw na nga may penalty,araw araw pa nila itetext ang contacts
ReplyDeleteAno po gnawa niyo?pag dinelete b yung app at finorbid mo access nila sa contacts mo d n nila mareareach out?
DeleteNaka receive ako ng text na mag coconduct daw sila ng home visit at office visit, totoo kaya to?
ReplyDeleteKamusta,
ReplyDeleteKailangan mo ba ng komportableng utang para sa iyong kasiyahan? Nag-aalok kami ng isang abot-kayang 3% interest rate loan para sa mga lokal at internasyonal na mga borrower. Kami ay sertipikado, pinagkakatiwalaang, maaasahan, mahusay, mabilis at dynamic at nagtutulungan kami. bigyan kami ng pangmatagalang pautang mula sa 2 hanggang 50 taon sa pinakamarami.
Kailangan mo ba ng direktang, madali at abot-kayang utang upang magbayad para sa utang, magsimula ng isang negosyo o para sa ibang dahilan? Kung gayon, mangyaring makipag-ugnay sa amin sa iyong kahilingan sa pautang.
Ang alok na ito ay para sa mga seryosong tao.
Mangyaring makipag-ugnay sa amin, kung interesado ka, sa pamamagitan ng:
Email: easyloanfirm2020@gmail.com
Kami ay sertipikado,
maaasahan, maaasahan, mahusay, mabilis at dynamic.
Pinakamahusay na Pagbati,
Derek Douglas
easyloanfirm2020@gmail.com
3% Simple at abot-kayang alok na pautang
My experience is wala akong gcash at de keypad phone ko noon may tumawag sa bahay at sinisingil ako ng atome. Kulang 1k sahod ko a day at single. Kaya di ko maisip na bakit kailangan ko mangutang dyan. Tinatakot din ako bout legal actions. And hanggang ngayon may tumatawag pa rin sa landline namin.
ReplyDeletePano po yung contCts noyo tinawagan dn b nila?
Deletei want to give you guys an update! NAG HOME VISIT SILA TODAY, HABOL NILA UNG PENALTY MO PER DAY KAKAALIS LANG NIPA DTO SA BAHAY AT SAKIT SA ULO JUSKO
ReplyDeleteGUYS GUSTO KO LANG KAYO BIGYAN NG UPDATE! Pumupunta po si ATOME SA ADDRRESS NA INILAGAY NIYO!! Kakaalis lang nila ngayon jusko bayad ko na sila ang habol nila is ung penalty na 5k dun sa per day. Hindi ako delay na fully paid ko na sila pero nag charge sila ng 700 na penalty plus ung 2.40% per day kaya daw my balance ako na 5,401 biruin niyo yun!!
ReplyDeleteBinayaran mo p din ba
DeleteDapat na matigil ang mga ganyang gawain ng online lending katulad ng Easy Peso. Dapat n nila ipasara ang online loan n ganyan. Mga mapang harass at mapanakot.
ReplyDeleteKapag po b dinelete mo n yung app maaccess prn nila lahat ng contacts mo?please help kasi merong incident dati sa kakilala ko na tinawagan at minessage lahat ng contacts at ipinahiya siya. Late n nung nalaman ko n ganun pla gngawa nila.
ReplyDeleteBefore you delete e not allowed mo mona yung app sa setting mo
Deleteako din,d maganda experience ko sa atome. ngbayad ako before due date kaya expect ko mgrreflect sa app ko na bayad na ako pero sa laking gulat ko,nreremind pa dn ako ng repayment until due na dw ako. nkkbwisit tlga gantong sistema.dapat inaayos nila yan. nkkperwisyo tlga. first time ko mgtransact sa knila tapos ganto yung naencounter ko! d mgnda ang dnudulot nila sa client. ayusin sna nila, nkkperwisyo at d nkktulong ang ganito. bagkus, bnbgyan ka pa ng mlaking problema at d tama ito!
ReplyDeleteMag hohouse visit ba sila kahit nasa mindano?
ReplyDeletemag kano po penalty per day?2476 po yung utang ko sa kanila
ReplyDeleteAko din nka experience ng ganyan..along bank account ang nahulugan nila.. Pnipilit nla na akin yun.. Mga bobo agent nila jan.. Bdo account lng meron ako.. Pero union bank nla hnulog.. Buti nlng nka screenshot lhat ng convo nmen.. Kaya may ebidensya ako na nagkmli sila ng disbursement.. Mga bobo yan at scam yan
ReplyDeleteHello, please leave your comment down. Thanks