Pagkatapos ng masusing imbestigasyon sa panig ng Atome Credit, napag-alaman na nalusotan talaga sila ng scammer. Tulad ng sinabi ko sa aming previous update na napakaluwag ng system nila dahil walang kahirap-hirap ang scammer nakapagpalit ng method of disbursement from my BPI account to his GCash number. Kaya malaking issue talaga ito sa amin pinipilit nilang ako talaga ang gumawa ng reloan.
Pinaglaban ko ang aming karapatan dahil 101% hindi talaga kami ang may kagagawan sa pangyayaring iyon. Dahil doon, napipilitan silang imbestigahan kung ano talaga ang nangyari, kung hindi kami ang nag-reloan sino ang nasa likod ng successful transaction na nangyayari. Napag-alaman na isang nagngangalang ENRICO FELIMON. Iyon din ang lumalabas sa GCash account kung saan doon pumapasok ang P2,000 na galing sa reloan.
Photo from Atome Credit DataBase
Nakakuha din ng ebidensya ang Atome Credit mula sa kanilang database, selfie photo na may hawak na ID mula kay ENRICO FELIMON. Maaaring siya talaga yon dahil hindi naman pwedeng kumuha ang Atome apps ng selfie mula sa gallery kundi live talaga itong kinunan nong nag-apply si Enrico Felimo sa kanila. Pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat sa taong ito dahil isa po itong scammer na nangunguha ng mahahalagang info sa cellphone nyo o sa app ng mga lending companies.
Hindi pa malinaw kung paano siya nakapasok sa database eh tanging ang app lang ang maaaring makakagawa ng mga transaction sa kanilang system. Malaking tanong paano nya nakuha ang access mula sa cellphone namin at nagawa nyang magreloan without our authorization.
Pinag-aralan na ngayon ang isang security measure para hindi na mauulit ang parehong pangyayari sa amin. Isa sa naisipan at based na din sa suggestion namin na dapat everytime may babaguhin sa system o sa database ng isang borrowers dapat mayrong OTP na matatanggap ang may-ari ng account to confirm na siya talaga ang may-ari ng account.
Kung mayron silang ganong features, siguradong hindi makapagpapalit ang scammer unless nanakaw nya ang cellphone namin at nakita nya ang OTP (One Time Pin) na ipapadala sa aming cellphone number na naka-link kay Atome Credit.
Ngayon malinis na ang aming pangalan at nalinis na rin ni Atome Credit ang kanilang pangalan dito sa www.usapangpera.ph, Usapang Pera At Iba Pa facebook page, Pinoy Pautang Online Guide group at sa iba pang platform na hawak ng Raketirong Pinoy Media Network Group.
Back to business na uli tayo kay Atome Credit, as they promise they will add the security measure upang hindi na ito mangyayari pa sa ibang mga clients nila. Kung sino ang gusto subukan ang bilis ng kanilang loan approval, we invite everyone to visit this link para kayo ay magabayan kung papaano mag loan kay Atome Credit: http://bit.ly/AtomeCredit
0 Comments
Hello, please leave your comment down. Thanks